Don't speak for the real victims here!

https://preview.redd.it/5z2xav5ovq3d1.png?width=676&format=png&auto=webp&s=7f2d58cd278084576b3bd3ccbdb492918a03bb97

Story of my life as a "loser child":

Naalala ko (f 29) pa nung nasa 5 or 6 years old pa lang ako, palagi naming pinupuntahan yung papa ko para pauwiin sa bahay kasi andunsya sa kabit niya. Plagi kong nakikita si mama na umiiyak kasi andun na naman si papa sa kabit niya. Hindi rin kami sinusustentuhan ni papa, kasi andun nga sya sa kabit niya. Tapos ako ang palaging ginaamit ni mama para makonsensya si papa at umuwi.

Nung 7th birthday ko, kinausap ako ni mama, sabi niya, ang i-wish ko raw sa birthday ko is sana umuwi na daw si papa at huwag na syang mambabae. 7 years old ako nun!!!

Nung nasa college na ako, nakita ko si papa na sinuntok si mama sa sikmura kasi nanghihingi si mama ng pambayad sa tuition ko. Edi nag working student ako.

Nung nasa early 20's na ako akala o nagbago na si papa since palagi na namin syang kasama, pumuntang abroad si mama. Rarely lang naming nakakausap si mama nun kasi kinonfiscate ng amo ng ang mga phones nila kaya natatawagan lang namin sya pag nagpapadala lang sya ng pera. Pero one day, narinig ko si papa na may ka "i love you" sa phone niya. Nagtaka ako, kasi never kong narinig si mama at papa na nag i love you sa isa't isa. Alam kong hindi si mama kausap niya. Hindi alam ni papa na narinig ko sya. Tumalikod lang ako para umiyak. Wala akong mapagsabihan. Takot akong malaman ni mama kasi nasa abroad sya, at alam kong hirap na sya doon. Tinago ko na lang sa sarili ko, iyak na lang ako nang iyak mag-isa.

Nung bumalik na si mama galing abroad nalaman niyang may kabit na naman si papa through chismis ng mga kapitbahay, kasi kapitbahay lang pala namin yung bagong kabit, which is katrabaho rin ni papa, so obviously, alam ng babae na pamilyado yung tao. Kapal pa ng mukha nung kabit na inaaway pa mama ko. And ako na nag convince kay mama na tigilan na niya paghahabol kay papa, kasi wala na man din syang pakinabang sa pamilya namin. Doon lang natigil si mama sa kakahabol sa kanya.

Akala ko finally, nakita na ni mama yung worth niya. Not until New Year, 2019. Nung gustong makipagbalikan ni papa kay mama na naman through call. Yun pala, nakipaghiwalay yung kabit sa kanya. Ay aba! Nagbalikan na naman ang mga pun*eta. Galit na galit na ako kay mama. Syempre, put*ngin*, pagod na pagod na ako sa pamilya namin. Ano?? hahabol na naman kami?? Nagalit ako kay mama. Sabi niya lang, "Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya?" Really???

Almost 30 na ako, umiiyak pa rin ako dahil sa trauma na naidulot ng pamilya ko. Dahil sa selfishness nila. Sana nung una pa lang, naghiwalay na lang talaga sila, hindi na sana kami naghabol sa taong ayaw sa amin, sana instead na nagfocus sila sa pag "fix" ng marriage nila nang ilang beses, tinanggap na lang sana nila na hindi na talaga sila pwede, at mas nag focus na lang sila sa kung anong mas nakakabuti sa anak nila, at nag co-parenting na lang. Edi sana hindi ko na kailangan pang ma witness at ma experience lahat nang yun, kasi pinipilit pa rin ni mama na magsama sila, which at the end, naghiwalay na naman sila, tapos may ibang pamilya na si papa, while si mama, naka focus na lang sa career niya bilang nurse dito sa Pinas.

Tapos ako? Sobrang traumatized. Naka develop ng abandonment issue dahil sa paghahabol sa taong palagi kaming iniiwan. Umiiyak pa rin ako bigla kapag naalala ko lahat ng pinagdaanan ko bilang anak.

Divorce is NOT going to ruin your child's life, it is YOU as a TOXIC PARENT!!!!

STOP SPEAKING FOR US!!! YOU DON'T KNOW EVERY STORY OF ALL THESE "LOSER CHILDREN"!!!