What is your end goal after a successful migration?
Matapos ang nakakapagod na pag gather ng documents, - pag iisip kung mag student ba or mag skilled migration, - tutuloy ba o hindi - mag aral for accreditation exams - mag prepare for skills assessments - ma nosebleed just to ace english exams - maghanap ng employer - ma depressed kung anong nang mangyayari - rejections, rejections, rejections! - makahanap ng asawa - ma miss ang pamilya at nostalgic life sa pinas - do odd jobs na malayo sa passion mo - paying the bills at utang - makaramdam ng comfort - at magawa ulit ang passion mo
Sabi ni Paolo Coelho, mas mahalaga daw ang journey kesa sa destination at kung nasaan ang puso natin, nandoon din ang kayamanan na inaasam natin.
Iba iba man tayo ng path; may madali lang, may mga umakyat muna ng mount everest o sumali sa takeshi’s castle just to get where they are now.
Ngayon
Ano ang karaniwang end goal ng mga nagmimigrate after all the sacrifices, pagtitiis, at pag laban, pag suko, pag iyak ng pasikreto, pag punas ng pawis, at pag laban ulit para sa pangarap niyo?