im finally coming home
first time kong uuwi sa Pilipinas after almost 8 years. alam ko may mas maraming Filipino na mas matagal pang di nakauwi kesa sakin pero, nagiging emotional ako ngayon.
iniimagine ko ung pag-baba ko sa NAIA, kahit san ako tumingin puro Pilipino na makikita ko, kalahi ko, kamukha ko at kakulay ko. kahit sang sulok ako pumunta, lahat alam mong makakusap mo ng lengwahe mo. ewan ko pero tingin ko talaga pag uwi ko maiiyak ako. kasi pag balik ko hindi na ko Filipino, pag balik ko, ibang iba na ko, andami nang nag-bago sakin pati na rin sa Pilipinas. walang tumigil habang wala ako, at hindi rin naman ako tumigil habang andito ako - mga kaibigan ko nag bago na, busy na, hindi ka makikita. hindi ako nag rereklamo sa changes. pinapaliwanag ko lang kung bakit tingin ko maiiyak ako pag lapag ko. di ako iyaking tao pero di ko alam bat nagiging emosyonal ako.
Pinas! im coming home :)