Valid ba i-unfriend ang old workmates?

Context: Nag resign ako siguro 5months ago na sa old company ko. Bearable sana yung workloads kaso sobrang toxic ng TL at ng management. Underpaid na nga, tapos grabe ka pa sermonan at personalin ng boss mo. Ilan kami halos nag resign at may nag awol pa nga gawa nya. Utos rito, utos ron kahit pre-occupied ka na. Ultimo pag papadeliver ng cake ng other employees dahil culture para sa mga may birthday at anniversary ako maghahandle? Mandatory na OT kasi may deadline tapos andami pang account. Nakakayanan naman eh kasi WFH pero yung inaanxiety na ako lagi ultimo sa panaginip nag e-excel ako lolol. Anyways, grabe trauma ginawa nila sakin. Andito na ako sa new company kaso mababa sahod pero sa 3 months di naman toxic.

Pag nagstory ako mga old workmate kong toxic nag v-view sa fb💀💀 gusto ko sila iunfriend kaso baka lalo mag ka issue.