Araw-araw nalang ako nag iisip mag resign.
I’m 23 F palang, and this is my first job pero sa tingin ko my skill set is malaki na, dagdag mo pa yung multiple hustles I did when I was in college. Yun yung reason why my current company was so eager to hire me. Bukod sa kulang sila ng tao, they think I can push the team to another level. I was offered a senior position job with 20k salary lang (yes 20k). I was expected to lead a team and create new projects for the company with a 20k salary. At first, di ko masyado inisip, I was comfortable siguro. Fresh grad eh.
Ngayon feeling ko nalolowball ako. Wala kaming OT pay. Parang labag pa sa loob nila if hindi ka mag OT dahil sa dami ng gusto nilang gawin sa loob ng isang araw. Pumapalo duty ko ng 15hrs. Ganon kalala. While may salary increase, sobrang liit lang. Matanda na siguro ako bago pumalo ng 30k sahod ko. Ulila na ako, wala na rin akong pamilya kaya siguro naiisip ko rin to.
May bago kaming hire, entry level niya 25k. Junior level pa siya at jusko mas marami pa workload ko kesa sakanya. Yes nalaman ko ito through my team manager kasi inannounce nya lang naman sa buong team haha.
Ultimo pati personal accounts ko pinapakelman nila. Dapat buhay ko trabaho ganon :) dagdag mo pa yung 2hrs na byahe papuntang work.
Ngayon napapaisip ako kung mag resign na ba ako at maghanap nalang ng ibang mas stable ng work. Ito kasing work ko flexible siya, at talagang passion ko siya but passion won’t pay my bills. I have no one to rely on but myself. Yung mga kabatch ko nakakabili na ng mga gamit pang sarili nila, habang ako namumulubi ako tuwing paycheck. Hindi rin ako magastos, ni creditcard nga wala ako e kasi mahirap na.
Sa totoo lang gusto ko ng stability, hindi yung parang araw-araw nag woworry ako kung ano ba yung kaya ko i-afford. Sure ako na ok yung resume ko, pero hindi ko alam paano ba magsimula. This is my first ever job. I have no family na pwede magtanong pano ba.
Yun lang, ang insecure ko sa finance situation ko ngayon pero akala ng tao bigtime ako cos of my skill set. Kakalungkot lang minsan. Gusto ko lang maglabas ng saloobin kasi wala naman akong ibang mapagsabihan.
(Hindi rin ako makatanggap ng side jobs to add to my everyday needs, hindi daw pwede.)