32 [M4F] Try uli baka sakali
Isa pang post, baka sakali lang uli.
Baka naman gusto mong salubungin natin yung 2025 na magkasama, malay mo naman pag sinalubong natin yung 2025, magkasama na tayo buong taon hanggang sa dulo.
I am still looking for a life partner, yung makakasama at makakausap ko sa lahat ng bagay. Nagpost na ako dati pero nagfilter ako ng messages kasi medyo mahaba yung post ko kaya di ako nagreply sa mga hi/hello. Sorry na po agad.
Still applicable to this day ito.
Ako ay:
- di galing sa kahit anong big 4 universities
- may maayos na trabaho, full-time work from home
- may normal na pangangatawan
- mas matangkad sayo
- pwede na sa paningin ng iba pero pinakagwapo sa mata ng inay lalo na pag sahod
- tahimik lang pero di kagaya ni Mark
- mahilig ako sa mga dad jokes, mga puns, mababaw lang talaga kaligayahan ko
- tingin kong joke time nalang yung politics natin at naiirita akong bilang lang yung sumusulit sa tax na binabayad natin
Ikaw sana ay:
- babae, please po non negotiable kasi gagawin sana kitang forever co-maker ng bata
- non-smoker (non-negotiable)
- maraming kwento at the same time makikinig sa mga kwento ko
- pleasing to the eyes
- magsesend ng picture ng pusa
As usual, libre lang po ang chat button. Maraming salamat at magandang gabi.