Pamilya kong hindi naniniwala sa doctor/nurse or ayaw lang maglagas ng pera sa hospital for healthcare?

Hi not academically related issue pero ako lang ba ang nakaka experience as an aspiring physician yung pamilya ko hindi naniniwala sa doctor?Nanggaling naman ako sa angkan na puro professionals pa sila lahat nga financially stable talaga eh kaya bumili ng sasakyan pero walang pang ospital kahit mamatay na.Kahit anong sakit pa yan kulang nalang siguro talagang code blue kana bago kapa isugod sa ospital eh.Nababahala ako sa old pamahiin nila or belief nila lalo na nakakadamay sila ng bata.Yung pinsan ko na 1 yr old 1 week na sya na nagsasuffer ng stomach pain tapos mabigat na yung paghinga nya so I asked my fiancee na nurse if ano pwede gawin muna as first aid if mild palang so sinabi ko naman sa kanila na gawin pero di ginawa.Even my ninang na nadaganan ng malaking metal sa paa since December hanggang ngayon hindi nya mailakad ng maayos and umiinda ng sakit ayaw parin nila ipacheck up.At lalo na sa nanay ko na may skin asthma na malala kinakain parin lahat ng nakikita nyang pagkain na bawal sa kanya.Ang masaklap is yung generation naming magpipinsan ngayon is mga pupunta sa med field talaga ang pangarap lalo na ako na nagpepre med ngayon tapos ganon sila nakakawalang gana sila ano ba need ko gawin to convince them to prioritize their health first before material things?