Update sa BINI Pencils para sa Library
Hello po! Nagpopost po ulit ako dito para sa updates tungkol sa mga school supplies na natanggap namin para sa library namin.
Ito po ang mga na-receive namin so far: February 27 (Shopee) -10 boxes of pencils -4 notepads March 2 (Shopee) -1 box of pencils -2 ID lace -1 correction tape -2 gel pens March 3 (face-to-face) -89 boxes of pencils -17 pouches -72 gel pens -1 plastic envelope March 4 (LBC) -10 boxes of pencils
Sobra-sobrang salamat po sa inyong lahat!
Eto na po ang exciting part.
Super happy at excited po yung mga bata ng nakita nila. Kwento nga po nila, yung ibang classmates nila e pinapagalitan ng parents nila dahil hindi agad umuuwi pagkatapos ng klase (4pm po ang labasan nila), kaya natakot ako na hindi na sila babalik. Pero noong na-inform sila na merong mga bagong dating na supplies, nagbalikan po sila. Gumawa na rin ako ng bagong rules (5 books na lang instead of 15 para makakuha ng pencils, 15 books para sa pen, etc.), and okay naman sila sa changes. Kahapon nga po, until 5:10 pm ay dumarating mga bata, pero pinagsarhan ko na sila dahil medyo overtime na. Hehe.
So far ay puro lang po elementary kids ang pumupunta dahil sila yung attached school sa amin. Pero dahil nalaman na rin po through word-of-mouth ng kalapit naming HS yung tungkol sa school supplies, meron pong dalawang groups ng SHS students nagpasabing pupunta sila mamayang hapon. (May nagpasabi na rin na si Stacey ang gusto nila.) Hehehe. Iu-update ko po at the end of the week kung ilan na po ang naipamigay natin.
Mula po sa aming munting library, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!