I wanna clean up my relationship. ✌🏻

Problem/Goal: I need help, how can I break up with John without offending him and his family.

Sa mga nag sasabi na ako yung may mali. Opo ako talaga may mali in the first place, hindi ko tinatanggi yun. 5years ago sinabihan na ako ng papa ko sinabihan na ako ng mga kapatid ko sinabihan na ako ni Richard sinabihan na ako ng family ni Richard sinabihan na ako ng mga kaibigan ko sinabihan na ako ng mga ka workmate ko. Bobo ako kaya ito nangyari.

Context: February 22, 2025 Wala akong ginawa kundi basahin yung mga comment nyo buong araw. So entire day di ko napansin si John. Kung mag uusap man kami answerable by yes or no. doon or dyan. Most of the comment saying go to Richard. And everytime I see a comment about it parang doon ko din na rerealize yung mga wordings nya na "Mahal kita, Bobo ka lang talaga" "Baliw, di kita papabayaan" "Ako bahala sayo" "Sabihan mo ko Tulungan kita" "Sige, Gawan ko ng paraan". Yung mga pinag samahan namin through thicc and sh!t. May iba nag sasabi go by myself be a single mom do co-parenting. Then I am starting to realize na may work naman ako, may family business kami. Hindi naman talaga pera ang habol ko dito. Masayang Pamilya. Pero mukhang tama kayo di ko makukuha dito kahit centuries pa ako mag hintay. So 4 Years of this treatment plus That one day redditors flooding me with advices and harsh comments (which I really do appreciate) my love finally burnt out.

Bago matulog kinausap ko si John. Nakiusap ako na baka pwedeng bumisita kami ng anak ko sa bahay for a week. Roughly twice or thrice a year lang bumisita ang anak ko sa side ko tapos isang araw lang yun. Kailangan ko makiusap at matinding protection ni God para pumayag sya. So tinanong nya ako kung bakit one week. Sabi ko lang na namimiss ko papa ko. Di ko kaya mahiwalay sa anak ko kaya sasama ko yung bata. Sabi nya walang sasakyan. Kasi gagamitin daw yung dalawang sasakyan bukas ng mga kapatid nya. So sabi ko mag Grab na lang kami. Mahal naman daw. Nag sabi na ako na ako mag babayad. Di daw safe yung Grab di daw namin kilala yun baka mapaano yung anak nya. Sabi ko papasundo na lang ako kay Richard. Atleast yun kilala nya. Siguro nawalan na sya ng sasabihin pumayag na sya. Yung "Sige" nya parang badtrip na di ko malaman.

February 23, 2025 Sabi ko may dala akong maleta at di ko kaya bitbitin pababa ng hagdan. Nag pa tulong ako kay John sabi nya "Wait lang". Umakyat yung anak ko happily saying "Mommy, Daddy Chacha is here!! We gonna go!!" So niremind ko si John na andito na sundo ko baka pwede na nya ako tulungan. Sabi nya lang "Wait lang" Buti pinaakyat na si Richard ng nanay ni John kaya sakanya na lang ako nagpatulong. Sabi ko sa anak ko mag paalam muna sya sa tatay nya.

"Daddy, Im gonna go to mommy's House because I love mommy and Mommy's house. I hate you Daddy, because you always hurt mommy and Mommy's sad and Mommy and me don't like you daddy." Paalam ng anak ko pinaikli ko lang kasi sinubukan pa pigilan ni John yung bata. Saying na maliit lang bahay namin, walang aircon, walang toys, walang ipad, wala syang daddy. This didn't take serious by John kasi he always hear it from our kid na "I don't like you daddy" kahit ilang beses ko ituro sa bata na you have to love your father. Mag mamaktol lang sya at ididiin nya sa akin na she don't like her daddy. So John didn't really take it as serious. Eh first time marinig ni Richard yung mga sinasabi ng bata.

Nung nag paalam kami sa mother in law ko. Pinag sabihan nya ako na ibalik ko yung bata after one week. Tumungo naman ako. Then umalis na kami.

Sa sasakyan tinanong ni Richard yung anak ko kung sinasaktan ako ni John sagot ng anak ko "Yeah" So I made it clear to him na hindi ako sinasaktan physically. Yung tinutukoy ng anak ko is verbally. John is a short tempered guy. Simpleng bagay mainit ulo nya sa akin sisigawan nya ako so as response iiyak ako kasi kahit ilaban ko sarili ko yung galit nya nangunguna. Yun ang tinutukoy ng anak ko. Pero walang physical.

Tinanong nya ako kung ano alam ni Papa sa situation. So yun sinagot ko na as of now alam ng papa ko okay ako. Happy ako. Nainis sya sa akin kasi ma culture shock si papa pag sinabi ko lahat. Sabi nya "Daan tayo 711. Bilhan muna natin ng Pineapple Juice si Papa. Baka mahigh blood". Papa din kasi tawag nya sa papa ko. Ganun kami ka close. Same sa family nya na Dad din talaga ko sa Dad nya.

Pag uwi namin sa bahay sinalubong ako ng dalawa kong kapatid na lalaki Marco (25, M) and Paulo (24, M). Sinabi ko kung ano yung intention ko, gusto ko na umuwi. Tinanong nila ako na nagising na ba talaga ako. Hindi pa fully but thankfully I got this point with courage to make a move. Tinawagan nila si Papa na umuwi. Pag uwi ng papa ko umiyak na ako nag breakdown na ako. Naiyak na din yung papa ko. Sinabi ko na lahat. Yung sinabi ko dito sa Reddit 1/4 lang yun ng pain ko sa bahay na yun. Binigay ko sa papa ko yung suicidal diary ko. Bubuksan ko sana para makita nya, pero pinigilan na ako ni Paulo. Kinuha nya sa akin tapos binalot nya ng tape para di mabuksan. Sabi nya tama ng di ko maalala yung ibang experience ko doon. Sabi ng papa ko na dito na lang ako, maganda naman buhay ko dito. Sabi ni Paulo kung gusto ko makipag hiwalay. Planuhin ko ng maigi kasi baka di na ako makauwi dito sa bahay or di ko na makita yung susunod na sikat ng araw dahil ikukulong na ako sa bahay nila.

As for Richard, the promise ring last for 2years. My condition sa promise ring is within 2 years kapag hindi parin talaga ako inalok ni John ng kasal then I will get married with Richard. But since I'm breaking up with John considered as win by default si Richard. Pero sabi ko after kong tapusin yung relationship ko with John I wanna be a solo mom at least for 2 years. I wanna heal myself I wanna catch up and be a mother this time. Richard agreed sabi naman nya na support lang talaga kaya nya ibigay and if I need him I know how to find him I know where to find him.

Anyway I open up also sa kanya na maybe this long wait also proof na hindi sya para sa akin. Maybe he deserve someone better na hindi na nya kailangan hintayin. So he can use those 2 years para mag explore try to find someone for him. Sagot nya "Bitch, if I had to drag you all the way to the altar. I will. Trust me." Then pinaalala nya sa akin yung past namin and how we build this friendship and this family. Aminado naman sya na he deserve someone better yung walang problem at di masakit sa ulo. Pero nakikita nya daw yung sarili nya in future ako yung kasama. Malabo ata yung salamin nya nung nakita nya yung future nya. Anyway, hindi ko sya itatali. His condition sa promise ring is still on going so maybe yes maybe no. If no, ready ako mag best woman sa wedding nya. Only god can predict. and I also hope God will give him the happiness he deserve.

As of typing this yes may period na ako 🤣 asdfghjkl! Kanina lang bago matulog. Naiyak ako for almost ilang years first time ko humiga at matulog sa kama na walang mabigat sa dibdib ko. Happy ako. Nailabas ko yung bigat na dinadala ko. Sana everyday ganito. Nightshift ako so normal sa akin magising ng madaling araw.

I need help, how can I break up with John without offending him and his family.

BTW, I already done talking my way out Twice.

First attempt, When my kid is 2 and a half years old. Sabi ko noon kung di mo ko kayang mahalin at alagaan. Ibalik mo na lang ako sa tatay ko. Iniyakan ako ng mother nya na wag daw kasi mahal daw ako ni John yada yada. Nadala ako sa iyak nya kasi as mother to mother. Kaya na extend yung miserable life ko sa bahay nila.

Last October 2024 second attempt, I already told him I'm tired of him and asked him to give my life back and give my daughter back. Sabi ko sainyo sa unang post palang ready na ako iwan tong taong to. Pero kapag nakikita ko sya na paano sya pag nawala ako. Sino mag aalaga sakanya, bumabalik nanaman ako sa pagiging martyr. Sabi nya bago mag enrollment ng grade 1 ibabalik na nya sa akin yung bata. My kid is 4, turning 5 this year. Bale next year pa possible na gawin nya to. And yes he's bad in promises really bad, it will only last him a week to broke his promises.