Ang sarap siguro pag solo mo lang sahod mo

Me already married, no child yet and still supporting both parents. My parents are both retired and maaga sila nagretire like dipa sila senior. Si mama nalaid off si papa kusang nagretire. Kami ng kapatid ko working naman parehas pero syempre kami bumubuhay sa mga magulang namin, halos half ng sahod sa expenses ng bahay napupunta. Mortgage, kuryente, tubig, internet, groceries and the likes. Wala naman ako sama ng loob sa pagtulong. Pero hindi ko pa naranasan na sakin lang buong sahod ko. Kaya di rin ako makapag ipon ng sarili kasi hindi na kakasya. Malaking pilay din para sa kapatid ko pag hinayaan ko sya magsustento mag isa para sa mga magulang namin. Matinding konsensya lang talaga kalaban kapag di ako nakakapagbigay or kung ayaw ko na magbigay.