Ang hirap mabuhay ng paycheck to paycheck

naipambili ko ng sapatos yung pera ko na pambayad ko sana ng rent.

Akala ko (25F) talaga andami pang natira sa bank account ko. Bago ako bumili ng gusto ko, in-allocate ko na lahat lahat: pambayad sa pautang na ulam sa office, naka padala sa parents, nakapadala sa kapatid, at grocery needs. Nagpautang pa ako sa ka-opisina ko kasi gipit daw siya. Ang alam ko may extra pa ako, so go sa philanthropic act. Tapos eto na, nag sale sa SM ang Sperry! From 4995 to 2795!! Di ko naman binili ito dahil wants lang pero dahil talagang timing na sira na yung everyday shoes ko na 3 years na ang tanda. I could just buy some crocs na OEM sa shopee pero di ko talaga mapalampas yung sale. Naka-ilang bese ko pa sinelf-talk sarili ko kesyo, "minsan lang ito mag-sale" at "ito na yung pinakamalaki mong gastos para sa sarili mo simula noong nagkatrabaho" "magagamit mo naman ito pang araw-araw" at kung ano-ano pang version ng "i deserve this" lol.

Tapos kagabi nag video call ako sa parents ko para mangamusta. Napagusapan pa namin na kelangan na ulit magpadala ng allowance sa dalawa kong kapitid na nasa university. Ako puro "okey" at "no problem" lang kasi ang alam ko may extra pa ako until the next payday.

Pero shucks, nagchat kaninang umaga yung landlady ko at naniningil na ng rent huhuhuhuhuhuhuhuhu bakit ko nakalimutan to. Nahihiya naman ako na madelay ang bayad. Mababayaran ko naman pero wala na akong perang maipapadala sa mga kapatid ko.

And the saddest part of all, isang linggo pa hihintayin ko bago ang sweldo ulit. At wala pa ang mid-year bonus </3