Plus one sa wedding

My bf will be part ng entourage sa wedding ng cousin nya next year, automatically he invites me na sumama ako sa kanya kahit di naman ako invited ng cousin nya. Pero ayoko talaga sumama kasi nakakahiya sa couple na may plus 1 tas di pa naman ako asawa gf palang and naiisip ko baka limited budget lang yung ikakasal. Pero my bf insisted na okay lang daw yun kasi ako lang naman isasama nya at ipapakilala daw ako sa mga kamag anak nya dun. Is it okay na sabihin ko sa bf ko na ayoko talaga sumama unless invited talaga ng couple?