Wedding Gown Frustration
Hi, bride-to-be here. March next year pa naman ang wedding pero as early as April this year, may nakuha na kami na gagawa ng gown ko. Sikat na shop ito sa D8 mall pero hindi ko na lang imention ang name. Gusto ko lang magvent out kasi ang sama talaga ng loob ko kahapon pa, hindi ako nakatulog nang maayos. Initially, 1xk yung price nung gown ko. Maganda na yung gown pero since may mga gusto ako na upgrades, need ko daw mag add. So from 1xk, naging almost 30k. No issue naman nung una kasi naniwala ako na magagawa nila yung mga gusto kong mangyari. Kahapon nung nanghingi ako ng update sa gown, sinendan ako ng pic at pwede ko na daw ipick-up pero ang layo na sa napag-usapan namin. Hindi ako masaya sa outcome, hindi ko mafeel na ikakasal ako sa itsura nung gown. Mukhang minadali, yung details hindi nasunod. Mas mukhang mahal pa yung 1*k gown na sinukat ko noon. Sabi ko need ko puntahan yung shop ngayon pero hindi daw ako maaasikaso pag weekends, weekdays lang daw available. So sabi ko, sige. Nagsched ako this week ng weekday visit para makausap ko sila. Pero hanggang ngayon hindi matahimik ang loob ko. Naiiyak ako.