Scam Delivery
Long story short: Naniningil yung delivery rider ng sobra sa total amount.
Madalas kame mag order online, ibat-ibang platform pa, ilang beses na. First time mangyari samin. May nakaranas na ba nang ganito?
Dumating yung delivery rider, sinabi ₱1000 yung package. Nagtaka kame kasi ang total bill sa Lazada is ₱800.
Nag confirm kame sa kanya kung tama ba narinig namin, opo daw, saktong ₱1000. Nag ask kame patingin nung package, nakalagay sa sticker ni Lazada ₱800. Nung pinakita namin sa kanya to, sabi nya "Nag message po kasi si seller na ₱1000" tapos may pinakitang screenshot na cropped. No name no details.
Nag insist kame na ₱800 lang kasi yun ang nakalagay sa total bill at sticker, hindi naman assurance yung mag pakita lang ng screenshot na ganon.
Don na sya naging rude. Yung tone nag bago. Pinipilit na ₱1000 talaga yung babayaran. Nung nag try kame mag explain na klarong ₱800 ang bill sa Lazada at package sticker bigla syang sumigay "Edi wag nyo na lang i-receive" Dito na kame naasar, nakikipag usap kame ng maayos at ang sketchy pa nya, pang gift din tong package kaya kailangan na makuha. Hindi na nakipag usap si delivery rider, nag rarant na lang at umalis kasama yung package.
Naiwan kameng nakatayo sa may gate, shocked at hindi alam gagawin.
May advice po ba kayo? Ano ba ang pinakamagandang gawin sa sitwasyon na to?