This subreddit is a breath of fresh air.
Di ko namalayan na ang dami ko palang DDS friends sa fb. Naglabasan sila nung nag post ako in favor of Duterte going to the ICC court for justice. Tapos ang daming nag angry react, at nag tanggol kay Duterte. Commenting articles na either di relevant, or ang layo ng katwiran. Katwiran nila, pano naman mga victims ng mga addict? Edi idaan sa due process. They're also telling me na madami syang nagawa para sa bansa. I doubt it, pero even if it's true, it's irrelevant sa issue. Tapos inassume na nila na mas pabor ka sa mga adik (di ko gets kung bakit naging ganto ang conclusion nila).
Napaisip ako.. masama bang hangarin ang hustisya para sa kapwa Pilipino? Ganoon ba talaga kahirap intindihin na gusto mo lang ng hustisya para sa lahat? Hanggang saan nila poprotektahan at ipagtatanggol ang idolo nila? Grabe yung pagkaloyal nila kay Duterte na parang Dyos na nila kung sambahin. Nakakabahala. Buti pa dito, matitino mag isip ang mga tao.