Ako lang ba ang nega at naaalarma sa laki ng suporta sa mga Duterte?
Celebration mode tayo the past few days. Pero kung titignan niyo sa socmed, sobrang init at wild ng suporta ng mga tao kay Duterte. Parang sabay sabay sila nagising at lahat naging vocal. Last year, nung pumutok isyu ng mga POGO (which was Du30 legacy btw) yun yung time na nafeel ko na parang nagkaroon ng regrets mga tao kay Duterte. Akala ko narerealize na ng mga tao yung problema sa POGO at China and connected the dots na si Duterte nagdala ng problemang yun, kaya parang nanahimik sila. Pero ngayong hinuli na si Duterte, para siyang naging Martyr at National hero.
Sa totoo lang, tingin ko hindi pa tapos laban. I HIGHLY doubt maiimpeach ng Senate si Sara. Senators and senatorial candidates know the public sentiment about Duterte and they will not dare impeach Sara and risk being public enemy #1. They will also not risk a "Yes to impeachment" vote na pag matalo sa botohan, Sara will get back at them if she gets back in power. Ang susunod na laban nasa 2028. We know for sure si Sara mananalo kung nag eleksyon ngayon. Kaya dapat simulan na kampanya asap para sa kung sinomang ipantatapat sakanya becauase it's going to be an uphill battle