Oras na para hindi i-normalised ang pagbabanta sa buhay ng ibang tao at sabihin na iba ang meaning nito o nagsasaad lamang ng opinyon.
Naghain ng mga reklamong inciting to sedition at unlawful utterance sa Department of Justice #DOJ si Philippine National Police #PNP Criminal Investigation and Detection Group #CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III laban kay dating pangulo Rodrigo Duterte matapos ang kanyang hirit tungkol sa pagpatay ng 15 na senador.
Saad ni Torre, hindi maaaring gawing biro ang mga ganitong uri ng pahayag ni Duterte, na notoryus sa kanyang bayolenteng retorika. Dati na rin niyang sinabi na nakapatay na siya ng tatlong indibidwal.
“Ang gulo na nga ng pinagdaanan ng bansa natin in the past six years, hanggang ngayon ba naman dadalhin natin 'yang gulo na 'yan?” ani Torre, na nanguna sa operasyon ng PNP sa pag-aresto kay Apollo Quiboloy.
Una nang sinabi ni DOJ secretary Boying Remulla na gagawin nila ang kanilang tungkulin kung may opisyal na magreklamo laban kay Duterte. #News5 | via Camille Samonte