The 2025 budget will kill us

Sandro Marcos’ “I support him in whatever he says and whatever he hopes to achieve” is not just blind loyalty; it’s a declaration that the Filipino people must live with the decisions of a family that no one within their circle will dare challenge. Sa isang bansa kung saan ang pinakamalaking halaga ng pera ay inihagis sa pork-laden projects at political patronage habang pinabayaan ang kalusugan, edukasyon, at kaligtasan, paano na tayo? Where do we stand as a people if the dynasty ruling over us stands unchallenged?

Let’s talk numbers—because numbers do not lie, but dynasties do. The 2025 Bicam Budget is not just a misstep; it is a deliberate, calculated betrayal of the nation’s trust. Habang nagdurusa ang bayan sa gutom at kawalan ng serbisyong publiko, Congress and its allies are fattening their districts with projects worth P288.6 billion for DPWH. Walang proyekto para sa bike lanes o road safety, pero siguradong puno ang mga bulsa ng “contractors” sa eleksyon. As Benjamin Magalong warned, “corruption can go up as high as 70% of contract costs.”

Samantala, ang PhilHealth subsidy ay Zero—ibig sabihin, wala kang aasahang maayos na health insurance system sa panahong patuloy na tumataas ang presyo ng gamot at serbisyo. According to Cielo Magno, this move directly endangers the entire system’s ability to pay its obligations. Minsan mo na bang narinig si Nanay na nagsabing “wala nang makukuhang pondo”? Ito na yun, officially. The Universal Health Care Law is being violated—a law that was supposed to guarantee every Filipino dignity in illness is now an empty promise—because Congress decided your sickness isn’t as important as pork-funded roads.

Sa edukasyon naman? Napakalaking dagok. P11.6 billion ang binawas sa DepEd, kasama ang P8.8 billion na dapat sana ay para sa basic education facilities. CHED? Nilagasan ng P26.9 billion—ang mismong pondo na para sana sa libreng tertiary education ay parang usok na naglaho. TESDA? Tinapyasan ng P1.1 billion. Sa halip na harapin ang tumitinding learning crisis, piniling gawing "bonus round" ang edukasyon: kung may pondo, may paaralan. Kung wala, “Pasensya na po, next year na lang!”

It doesn’t stop there. Disaster-prone communities have been thrown under the bus, literally and figuratively. Funding for projects like PHIVOLCS’ Dynaslope, a critical program for early landslide warnings, has been cut, while the National Disaster Risk Reduction Fund lost half a billion pesos. Ito ba ang tugon ng gobyerno sa sunod-sunod na bagyo na sumalanta sa Bicol, Visayas, at Mindanao? Sa ilalim ng isang pamilya na laging “pro-poor” ang sigaw pero “pro-pork” ang galawan, ang mga kababayan natin sa tabing ilog at bundok ay itinulak papunta sa mas malaking panganib.

At dito nagiging halata ang kalakaran ng mga political dynasties. Marcos sa Malacañang, Marcos sa Senado, Romualdez sa Kamara—lahat sila magkakamag-anak, hawak ang bawat sangay ng gobyerno. Sino ang tatayo laban sa kanila? Sino ang magtatanong ng mahirap? Sino ang sasabihing, “Hoy, mali na ‘to!” Wala. Dahil sa isang sistema kung saan pamilya ang nagtatakip sa isa’t isa, ang mga Pilipino ang nagdurusa habang ang kaban ng bayan ay nagiging personal na alkansya.

Bakit ganito ka-pork-heavy ang budget? Dahil election year ang 2025. Ginawang laro ng patronage politics ang ayuda at infrastructure. Ang 4Ps—ang tanging programang may matinong resulta laban sa kahirapan—ay binawasan ng halos kalahati, mula P114.2 billion to P64.2 billion. Samantala, AKAP—isang programang ginagamit para sa political influence—ay nananatiling malaki sa P26.2 billion. Isipin mo, pinapaboran ang mga “handouts” na kontrolado ng mga pulitiko kaysa mga programang may transparent na proseso at batayan.

This budget kills in every sense of the word. It kills the sick, it kills the dreams of students, it kills disaster-prone communities, and it kills democracy itself. Pero higit sa lahat, it kills the spirit of hope—ang kaisipang may pag-asa pang bumangon ang bansang ito. Walang sinseridad sa mga pangakong sinabi sa SONA ni Bongbong Marcos—walang solusyon sa malnutrition, digital divide, public transport crisis, o kaligtasan ng West Philippine Sea. The dynasty has chosen its priorities, and clearly, the Filipino people are not one of them.

Kaya Sandro Marcos, “support whatever your father says?” Supporting this disastrous budget is supporting the slow death of this nation. Ang budget ay hindi birthday gift ng tatay mo. Ito ay pera ng taong-bayan. Ang kaban ng bayan ay para sa bayan—hindi para sa pamilya ninyo.

Hindi pa huli ang lahat. Tumayo tayo at isigaw ang nararapat: Ibalik ang budget sa bicameral conference. Linisin ang pork, ibalik ang pondo para sa kalusugan, edukasyon, at kaligtasan. Ang mga pangarap ng mga Pilipino ay hindi dapat nilulustay sa mga bulok na proyekto at eleksyon ng mga dinastiyang nagpapasasa sa kapangyarihan.

Kung magpapatuloy ang ganitong klaseng pamamahala, tandaan nating ang eleksyon ay darating. This budget is a betrayal, but it is also a wake-up call.

Kasi kung hindi pa rin tayo kikilos, baka isang araw magising tayo na wala nang natirang bansa—lahat naibenta, lahat naubos, pero may mga billboard pa rin sa EDSA na nagsasabing “Bagong Pilipinas.” Ayusin muna nila ang budget bago nila ayusin ang branding. Hindi natin kailangan ng bagong pangalan; ang kailangan natin ay bagong direksyon.