Hanggang Semis na lang talaga ang Rain or Shine
Mga dre, ako lang ba ang nafru-frustrate habang pinapanood ang Rain or Shine for the past few conferences?
Alam natin na trademark na ni Coach Yeng yung equal opportunity playing time sa mga players niya. Pero sa tingin ko parang yun pa yung nagiging problema ng ROS sa Semis.
Parang wala silang gameplan sa opensa at depensa. Isa lang yung play na alam (post up ni Deon Thompson). Semis na pero ang random pa rin ng rotation kaya nawawala sa rythym mga players. Dahil dito hindi nila namamaximize yung talent ng local roster nila.
Ano sa tingin niyo?