I feel like my gay professor hates me.
HM student ako and I have this gay professor, he gets along well, especially with male students. Konting background lang, transferee ako sa school na to last sem lang and prof namin sya sa luto.
Bakit ko nasabi na hindi nya ako gusto?
Sa lahat ng mga classmate ko he’s very sweet and polite pero pag ako na yung kausap nya very cold sya. Meron din time na naka salubong ko sya sa stairs and I greeted him pero binigyan nya lang ako ng cold na tingin. Okay lang naman sakin yung mga ganitong instances kasi iniisip ko baka nag lalagay lang sya ng boundaries bilang professor (tho sakin nga lang sya ganon base on my observation) wala lang sakin lahat not until nag start na kami mag luto. Gumawa ako ng handmade pasta for our pasta negra dish. Bago ko i present yung dish sakanya tinikman ko ito and pinatikim ko din sa mga classmate ko and it’s good hindi ako bias hehe especially yung pasta al dente sya. Nung tinikman nya sabi nya masarap naman daw pero di nya daw ito bibigyan ng grade dahil masarap na daw kasi talaga yung sauce na ginamit ko which is yung clara ole pa sarcastic nya pa sinabi kaya medyo na down talaga ako. Meron din time na nag luto ako ng creamy mussels and he’s complaining na na ngingibabaw daw yung creaminess nung dish, I mean? CREAMY MUSSELS nga po eh?
Sobrang considerate nya sa lahat ng classmate ko except sakin. For example, na sobrahan ng alat yung dish ng classmate ko sasabihin nya “Na sobrahan lang ng alat but okay naman” I don’t know baket sakin sobrang inconsiderate nya and sobrang harsh/sarcastic ng mga comments nya. Dagdag mo pa na lagi syang ka chat ng mga classmates ko sa messenger sa personal account nya pa pero ako ni rereact nya lang PM ko sakanya sa teams na faculty account nya. Idk if i’m just overreacting but sobrang na didiscourage na ako dahil sa treatment nya sakin. Kakauwi ko lang ngayon and humahagulgol ako pauwi dahil bagsak na naman luto ko sakanya. Nakaka tanggap naman ng 100 na score yung luto ko sa isa kong professor hindi ko na alam gagawin ko, sobrang hirap nya i please.