Di ko maiwasan mainggit sa mga anak ng tatay ko.

Context: Anak ako ng tatay ko sa pagkabinata. Nung nagpakasal sya sa asawa nya, nagkaron ako ng 2 half siblings sakanya. Malalaki na sila at nasa 20’s na. Bata pa lang kami, nakikita ko na kung pano i-spoil ng tatay ko mga kapatid ko. Ngayon kung kelan tumanda ako, dun ako nakaramdam ng kung ano anong inggit sakanila. Bukod sa material na bagay na binibigay sakanila (gadgets, kotse, at kung saan saan gala) na kahit kelan hindi naibigay sakin. Nakikita ko rin kung gaano kasarap ang buhay nila, walang pinoproblema dahil may pera. Isa pa ramdam ko rin kung gaano kamahal ng tatay ko ang mga kapatid ko, dahil anjan sya palagi para sakanila (birthdays, special events, holidays) samantalang ako, kailangan ko pa paghirapan at pagtrabahuhan yung mga bagay na naibibigay ng tatay ko sa mga kapatid ko. Minsan napapaisip ako na sana, hindi ko na lang nakilala yung tatay ko, siguro wala akong kinaiinggitan ngayon. Mas peaceful siguro ang buhay ko.

Ps. Di ko alam if may nagawa ba kong masama sa past life ko to deserve this.