Ayaw ko ng kaaway :(

Hays ano ba yan. Matutulog nalang ako, may galit pa sakin sa work ko. Aminado ako may mga palpak ako sa trabaho ko lalo na ngayong araw. Ayun nagchat sakin na siya daw sumasalo nung palpak ko. Hindi ko naman alam kasi simula palang sabi ko wag na ako saluhin pag may mali ako. Keri naman kung makarating na sa big boss yung palpak ko. Alam ko tinutulungan niya ako pero alam mo yun burden na pala ako ilet go nalang niya ako kesa magalit siya sakin. Ako na haharap sa mga pagkakamali ko. Pero ayun kanina sumabog na ata siya. Di ko nga alam sasabihin ko eh. Hindi na daw effective ang sorry at pasensya ko kasi paulit ulit. Sana nireport niya nalang ako. Kasi mabigat sakin na close tayo pero sasama na loob mo sakin dahil sinasalo mo ko. Hindi ko alam. Awkward na siguro tayo bukas neto.