Pagod na ako sa mga Born Again/Christian na simbahan.
Alam kong madaming religious sa Pilipinas kaya sori agad. Isa akong 22 Yr old male, graduating ng engineering course (sana). Ang nanay ko ay avid believer kay God (Catholic kami). Its amazing kasi lumaki sya sa mahirap na environment, and all she says is God helped her all the way. Pag kwinekwento nya buhay nya dati, nalulungkot ako at gusto kong pasayahin nanay ko by graduating and having a good life. Mahal na mahal ko nanay ko, kami ang mag bestfriend ever since. Dahil sa rough early days nya, binigay nya lahat ng pagmamahal na kelangan ko, at grateful ako sakanya.
Ngayon skip tayo ng onti para di mahaba. Nasa village ako na may Christian church like 3 houses away. Dun si mama nagsisimba lately and hinatak nya ako na dun din magsimba. Di ako pala simba btw. Pag nasa loob ako ng simbahan nato, kakanta sila ng hillsong while being so passionate about it, and asa gilid lang ako naka tayo, akwardly. Then may youth yung church nayon which is hinatak nila ako for bible studies, etc. Tbh ok lang sana ung pagsisimba sa umaga kaso kasi pumupunta pa sila sa bahay para mag bible study, andaming nauubos na energy ko at ORAS na dapat ginugugol ko sa pag aaral. Anyways oks naman yung character development nila sa mga nakwekwento nila.
Mga rason siguro bat ayaw ko na magsimba sa christian church:
- Yung mga pastor/pastora, napaka peke ng ngiti nila.
- Grabe sila mag credit sa mga demonyo. Parang lahat ng masama (kahit sila may gawa) sa demonyo sinisisi.
- Yung mga songs daw na sikat is creepy dahil yung lyrics ay about sa demons (like bro come on what)
- Give money for the Lord daw. San napupunta yung pera? walang namang outreach. Pang upgrade lang ata ng church eh.
- Di ko lang talaga gets pag iisip nila.
Si ayun di lang siguro ako belong sa ganung area, I'd rather grind sa pag aaral kaysa sa ganong practice. Di konaman sinasabi na God doesn't exist, kasi in the end di rin naman talaga natin alam. may buff pa nga mga believers eh kasi pag totoo edi masasalba kayo.
Most likely magiging part nako ng church nato, ayaw ko lang talaga malungkot si mama, masaya sya pag nagsisimba ako. Pero ayaw ko talaga ng practice nila. Di ko kailangan ng bibliya para hindi maging sakim sa lipunan.
TLDR : Di ako religious. Nahatak ako sa Christian Church. Di nako maka alis. Ayaw ko practice nila.
Ayun lang.