Umuwi akong may pasalubong na cake..
Kaka sweldo ko lang kanina, at excited akong umuwi kasi bumili ako ng cake sa red ribbon para pasalubong sa bahay. tapos pagpasok ko nakita ng mama ko yung cake sabi ba naman "ano ba yan bili bili ka pa! dapat tikoy nalang o kaya pizza" sabay tanong kung magkano daw ba yang cake sana daw greenwich na pizza nalang binili ko. sa isip isip ko grabe naman to di man lang na appreciate. sa susunod kakain nalang ako mag isa kaysa mag uwi ng pasalubong:) ni hindi nga siya kumain ng dala ko. nakakatampo🫠