Ayoko na sa palamunin

I, F22, is a 3-year working/fresh grad student. Kasama ko sa bahay si mother, undergrad na housewife (45), si grandmother na stroke (75), at dalawang kapatid na stop sa pag-aaral due to 'unknown reasons' (p.s. lakas daw ng kabog ng dibdib nila pag naiisip na papasok ng school) (both 16).

Just want to get this off my chest kasi iniisip ko pa lang napapagod na ako.

We're living off sa sahod ko + pension ni grandmother. I'm working sa BPO as WFH at medyo hindi nakakabuhay ang sahod. Hindi ako makaalis kasi balak kong magpapromote para maganda rin sa record. 1 year pa lang kasi ako.

Nakakapagod lang. Ayaw magwork ng mother ko. Sabi niya, mabilis daw siyang hingalin pag nagtatrabaho but she's been unemployed since 2016. She's short-tempered at ayaw na ayaw nang nauutusan. Typical spoiled brat.

Ayaw mag-aral ng mga kapatid ko. Both elementary lang ang natapos na halos wala rin atang natutunan. Wala silang survival skills. Ultimo gawaing bahay, ayaw nilang gawin. Wtf.

Yung grandmother ko madami rin maintenance. Syempre medyo sagot ko rin yan. Ako lang may trabaho eh.

Iniisip ko, paano kami aasenso kung sila mismo ayaw rin magsikilos. Paano kapag lumisan ang grandmother ko, kargo ko sila? NO.

Paano pag lumisan ang mother ko, kargo ko kapatid ko? MAS LALONG NO.

Call me ungrateful or what pero nakakapagod tulungan yung mga ganiyang klaseng tao. Iaasa sakin lahat habangbuhay.

P.s.: I also have a long-term boyfriend so lalayas ako rito once settled na lahat. I've been enduring them ever since pandemic.