MCA I’m glad he cheated

I 31F was in a long term relationship. We lived together din because of the pandemic and eventually we had a kid. The moment na I got pregnant I already noticed the changes in his ugali. As I hyper independent woman, I didn’t mind it as much kasi nga I had work and was super focused sa pregnancy ko.

He was still an ok partner, he helped me when I ask and shared financially when I gave birth. Not long after I needed help with the baby so he decided na dun nlg kame sa parents Nya tumira while baby pa anak namin. Grabe, lalo syang naging tamad. Habang ako nag papadede at nag pupuyat sa bata, sya naman nag vavalorant lang. Tipong 20mins a day Nya lang inaalagaan anak namin and only after utusan ko. Pag napapagod sya ipapalaga Nya sa parents Nya yung baby.

Pero hinayaan ko kasi nga Baka na overwhelmed lang sya. Then after a few months, umuwi ako samin kasi nagkasakit tatay ko. Halos kalahating taon din akong nasa amin, nag babantay ng bata, nag babantay ng tatay na may sakit tapos nag wowork din kasi wfh naman. During this time Ang dalas namin mag away. To the point na pati promotion ko sinangga Nya and ayaw Nya kunin ko. Pero dahil kelangan ng pera, nag pa promote parin ako. During this time wala nakong ibang hiling kundi sana mag hiwalay nlg kame at bahala nang single mom ako kasi nakakapagod na nga Ang buhay tapos toxic pa partner ko.

Eventually namatay si papa. Umuwi sa probinsya namin partner ko. Nag stay sya ng ilang weeks saamin. Medyo mainitin Ang ulo at ayaw parin mag alaga ng bata at ayaw din mag pahawak nung phone. So nung one time na tulog sya chineck ko phone at ayun nga, halos 6 months na pala sila ng ex Nya. Nagkabalikan sila at Ang Malala single mom Ang ex nya. Nung nalaman ko Syempre nasaktan ako kasi potek di pa inaagnas katawan ng tatay ko pero niloloko pa ako? Pinalayas ko si gago at di na kame nag kabalikan pa.

Pero eto matindi, di ko ma explain pero nag papasalamat ko ke Lord na nag loko sya at di na ng tagal pa lalo yung relationship namin at isa lang anak namin. I’ve always wanted to be a mom at eto na nga binigay sakin. Minalas lang talaga sa partner. Pero salamat parin at nag cheat sya para naman may dahilan para mag hiwalay kame.