Flag Raising Ceremony
Pa Rant lang dahil monday ngayon. Ako lang ba? Ako lang ba yung naiinis at napipilitan nalang sa flag raising Ceremony ng deped? Sorry napo agad.
Imagine, 7am nasa school ka na dapat to participate while based on research ay around 8 to 10 ang best time for learning. Yung mga estudyante, napupuyat to attend frc. Napakadaming kinakanta at oath, nakakaumay. Just imagine, nasa 5 songs ang kinakanta, then 3 oaths, may deped mission, vision and core values tapos samahan mo pa ng exercise e halos maluto ka na nga at maligo ng pawis maghapon sa school sa sobrang init. Mabuti ang layunin ng flag raising Ceremony kung tama ang proseso, pero kung ganito na, parang nakakawalang gana na. Inaabot na kadalasan ng 1hour. Tinuturuan nating maging patriotic yung mga bata, tapos yung mga nasa itaas nangungurakot lang.