Iyaking mga 1st takers
Di ko gets bakit andaming iyakin na kesyo mas mahaba time mag review ng mga na delay, may leaks, may hints. Di nyo ba alam yung hirap ng pinag dadaanan namin? Akala nyo ba yun na yun? Yung porket may time pa eh mag rereview lang? Di nyo alam yung pakiramdam namin kasi walang assurance yung matutuloy ba o hindi kaya di din kami makapag review ng maayos. Habang tumatagal, nauubos momentum namin. Grabe din pinag daanan namin sa bagyo. Nag sakripisyo kami para may lang din may pang gastos para may matuluyan sa baguio or sa ibang places. Naglaho lahat parang bula yung inipon namin.
May mga nag leave din sa work at may mga umutang ng pang gastos sa araw na yun. Grabeng damage emotionally and financially yung nangyari samin. Kung may matatawag mang unfair, hindi kami yun. Unang una kami yung binagyo, kayo nga nakakatulog kayo ng tahimik nung gabi bago exam pero kami hindi makatulog sa lakas ng hangin at magdamag kaming gising umaasang matutuloy parin. Ang sakit sakit ng walang update na official hanggang ngayon.
Kabado lang kayo sa results ng exam nyo pero wag nyo naman iinvalidate mga pinag dadaanan namin at sabihing unfair pa kasi mas mahaba time. UULITIN KO, KAMI ANG DEHADO. ANG HIRAP MAG REVIEW NG WALANG ASSURANCE KUNG TULOY. ANG SAKIT MAKITANG NAKAKAPAG PAHINGA NA KAYO PERO KAMI ARAW ARAW NAG OOVERTHINK. Ang tahimik lang namin pero puro kayo iyak sa soc med.