Kinikilig pa rin ako
I’ve been with my boyfriend for more than a year, 1yr & 10months to be exact. Sa aming dalawa, ako yung nonchalant, hindi ako masyadong showy ng nararamdaman ko and may pagkamapride, while siya naman yung clingy type. Laging nagsasabi ng ‘I love you’, ‘I miss you’.
Last Saturday, nandito siya sa amin. Lunch time, hipon yung ulam sa bahay. Kaming dalawa lang sa lamesa nun tapos nung kakain na kami, nagulat ako biglang sabi niya “Ipagbalat kita?” tapos gagi nung narinig ko yun, feeling ko tumigil mundo ko HAHAHAHAHAHAHA para akong nasa romantic movie wtf hahahaha simple lang naman yung tanong niya pero grabe yung impact sakin?? Parang nawala yung strong, independent woman na ako tapos napalitan ng babaeng gusto magpababy sakanya forever HAHAHAHA
Hanggang ngayon pag iniisip ko yung sinabi niya, kinikilig pa rin ako like sobrang small lang naman nung gesture pero it really meant a lot to me feeling ko nga dun ko narealize na gusto ko na siya pakasalan. Normal pa ba to? HAHAHAA