To be loved is to be seen

My suitor is always telling me na he wanted to love me the way I wanted to be loved.

Araw-araw akong sinusundo, hindi lang sa work, kahit nasaang lugar pa ako.

Araw-araw akong ginigising sa umaga.

Araw-araw na binibilhan ng dinner kasi alam niya na pag-uwi ko mas gugustuhin ko na lang magpahinga kaysa kumain.

Ni minsan hindi ako pina-gastos. Ni minsan hindi nag reklamo kahit ang sungit ko.

Wala naman akong hinihingi sa kanya. Wala din akong sinasabi na dapat gawin niya. Lahat ay kusa niyang ginagawa para sa akin.

Buong buhay ko, ako yung palaging nag-aalaga, naga-adjust, nagbibigay. Ganito pala yung pakiramdam na ako naman yung inaalagaan, inaalala. Ganito pala yung pakiramdam na mas gusto at mas mahal ka ng lalake.

Alam naman niyang hindi pa ako ready, pero hindi niya ako pinipilit. I’m very open sa kanya. Sa nararamdaman ko at sa aming dalawa. And his consistency, Lord salamat po talaga.

Pag mahal at gusto ka talaga, hindi kailangang engrande. Aaralin ka ng taong nagmamahal sayo kasi gusto niyang sumaya ka dahil dun siya mas masaya.