ABYG for cutting of my college bestfriend kasi grabe pagka delulu niya?

Me-M bading Bestfriend- F

This hapenned a year ago pero nag resurface siya lately. Nagkaron kami ng interaction noong first year kami pero hindi kami magkaklase kaya nawalan kami connection. then nang nag resectioning noong 2nd year ay naging magkaklase kami at naging bestfriends na.

Simula nang naging magkaibigan kami, nababanggit na niya paminsan minsan kung gaano ka gwapo yung landlord niya—taga cebu siya and nag ddorm lang dito sa manila. Syempre akala ko crush crush lang kaya sinasabayan ko siya tho i never met or at least saw her landlord. supportive naman ako sa kanya sa lahat ng love life niya.

Then a week before mag pasko ay nagpunta ako sa kanya para tumambay, kilala naman ako at naging mga kaibigan ko naman na mga dormmates niya kaya they don't mind. Usual chika chika lang and nabanggit niya ulit si Landlord na napapadalas na daw ang uwi(3 storey building kasi yung dorm at yung dorm ni bestfriend at yung room ni landlord ay same na nasa 2nd floor), but this time sa halip na usual kilig kilig at delulu siya, naikwento niya yung parang brief summary ng buhay ni landlord.

Madami siyang sinabi pero ang crucial part ay si landlord ay 30+ na, may isang anak at hiwalay sa asawa.

May time daw na mag tatapom siya ng basura at nakasalubong niya sa hagdan si landlord at naka small talk niya. Tinanong daw siya ni landlord kung uuwi daw ba siya sa probinsya kasi uuwi mga dormmates niya at sabi naman daw niya ay hindi, wala daw kasama mag pasko si landlord at pabirong inalok daw siya na sila daw mag celebrate. Kilig na kilig siya pero I'm starting to worry at pinayuhan siya and all.

Dumaan ang pasko at bagong taon at napagpasyahan naming mag samgyup kasama ang isa pa naming friend na not so much friend, gusto lang namin iinclude kasi medj loner siya. don niya nakwento na noong pasko daw ay nag car ride daw sila ni landlord buong madaling araw, linibre daw siya Starbucks at nag movie marathon daw sila sa room ni landlord. nainis ako sa kanya kasi di niya na banggit saakin yon pero i kept my cool naman at rinespeto nalang decision niya. sobrang kilig na kilig siya to the point na natapunan pa siya ng mga sauce. kesyo ang hot daw ng sleeve tattoo ni landlord, inabot pa daw sa kanya yung hoodie na di pa daw niya sinosoli kasi naaadik daw siya sa amoy.

Ang last straw ko siguro ay nang sinabi niyang handa siyang maging step mother. medjo nagka argument kami at inaawat kami ni friend. sinabihan niya ako na non verbatim: "ba't ba di mo nalang ako suportahan?". after than day, napag isip isip ko na no. di kita kayang suportahan kaya I'll remove myself from that narrative nalang, gusto ko safe ka kasi kaibigan kita at handa akong suportahan ang pagka delulu mo pero i just think na iba na ata yang ginagawa mo. ayaw kita itolerate pero ayaw mo rin naman makinig kahit ilang beses na kitang pinagsabihan kaya tatahimik nalang ako, matamlay na ang chats ko sa kanya at tipid hangang sa diko nalang rineplyan.

It just resurfaced noong mga ilang araw kasi may 1 year na din nang ni cutoff ko siya at nasasabi saakin ng mga bagong ka circle niya na hanggang ngayon ag obsessed parin siya kay landlord and take note, may jowa na siya. ang kwento niya sa iba ay wala akong kwentang kaibigan, na iniwan ko siya sa ere, na hindi ako supportive sa kanya at diko pa alam yung iba. For me naman ay i tried to be supportive pero diko lang kaya masikmura yung ganon, alam kong choice naman niya yoj at wala akong say don pero diko lang talaga kaya. so ako ba yung gago?